Nasabat ang tinatayang Php384,000 halaga ng marijuana matapos ang inilunsad na Anti-Illegal Drugs Operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 11 nito lamang ika-13 ng Pebrero, 2025 sa Barangay Baon, San Isidro, Lupon, Davao Oriental.
Kinilala ni Police Major Maybard D Pascual, Hepe ng RPDEU 11, ang mga suspek na sina alyas “Jimboy”, 36 taong gulang, magsasaka at si alyas “Cris”, 42 taong gulang na isa namang chainsaw operator.
Nakuha mula sa mga suspek ang tinatayang 1,600 gramo ng marijuana at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan at PNP, mas mapapalakas pa ang mga operasyon at magiging mas epektibo ang pagtugon sa mga krimen at iba pang mga isyu sa seguridad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino