Wednesday, November 27, 2024

Php375K halaga ng puslit na sigarilyo, nasabat sa Sarangani

Maitum, Sarangani (January 18, 2022) – Nasabat ng operating unit ng Police Regional Office 12 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Alexander Tagum, Regional Director, ang ipinuslit na 25 kahon ng Casablanca cigarettes na nagkakahalaga ng Php375,000 sa Brgy. Pinol, Maitum, Sarangani Province.

Habang nagsasagawa ng pagpapatrolya, namataan ng patrolling team ang isang kahina-hinalang wing van na nakaparada sa tabi ng highway kung saan ang driver at mga ahente nito ay nagdidiskarga ng mga karton ng sigarilyo na pag-aari ng hindi kilalang supplier mula sa Ipil, Zamboanga Sibugay. Base sa imbestigasyon, napag-alaman na ang van ay pag-aari ng nagngangalang Kokoy Cardino, residente ng Poblacion, Valencia City, Bukidnon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Alimodin Benolirao, driver at dalawang (2) ahente nito na sina Jenny Plaza at Alvin Agosto. Ang mga naaresto ay kaagad na dinala sa Maitum Municipal Police Station kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon, imbentaryo at tamang disposisyon.

Nagpapatunay lamang ito na ang kapulisan ng Rehiyon 12 ay patuloy at mas pinaigting ang pagsubaybay sa mga naturang lugar para maiwasan ang pagpasok at pagdami ng mga kontrabando sa lugar.

####

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles