Taguig City — Kalaboso ang dalawang lalake matapos mahulihan ng tinatayang Php374,000 halaga ng shabu sa isinagawang Oplan Galugad ng Taguig City Police Station nito lamang Huwebes, Setyembre 7, 2023.
Kinilala ni PBGen Roderick Mariano, District Director ng Southern Police District, ang mga naarestong suspek na sina Ian Jay, 20 taong gulang at Darwin, 34 taong gulang.
Ayon kay PBGen Mariano, nagsagawa ang Taguig City Police Substation 3 personnel ng operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa dalawa sa may kahabaan ng Sunflower Street sa Panam Village ng Brgy. Pinagsama, Taguig City, bandang 2:40 ng madaling araw.
Sa operasyon, nakumpiska ng mga otoridad ang 13 piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang sa 55 gramo ang bigat at may Standard Drug Price na Php374,000.
Mahaharap ang mga suspek sa mga reklamo sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kapulisan ng Southern Metro ay patuloy na magsasagawa ng nga operasyon kontra ilegal na droga upang hindi makapangbiktima ng mga inosenteng indibidwal lalo na sa mga kabataan na madalas maging biktima nito.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos