Nasamsam ng mga tauhan ng PNP at PDEA ang tinatayang Php374,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang habal-habal driver sa Barangay Miputak, Dipolog City, Zamboanga del Norte noong Pebrero 28, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Roldan Tubol”, 50 taong gulang, may asawa, habal-habal driver, at residente ng Sitio Paraiso, Barangay Galas, Dipolog City.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Edwin D Verzon, Chief of Police ng Dipolog City Police Station, nakumpiska mula sa suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang knot-tied transparent plastic cellophane (buy-bust item) na may tinatayang halaga na Php340,000.
Nakumpiska rin ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang heat-sealed transparent plastic sachet (possession) na may tinatayang halaga na Php34,000, isang pirasong Php1,000 buy-bust money, isang bundle ng boodle money na nagkakahalaga ng Php150,000, isang unit ng Oppo android cellphone, at isang driver’s license.
Ang kabuuang halaga ng nakumpiskang shabu ay tinatayang Php374,000 at naging matagumpay dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dipolog City Police Station, Regional Drug Enforcement Unit 9, at 1st Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company.
Patuloy ang PNP at PDEA sa pagtugis sa mga kriminal at pagsugpo sa iligal na aktibidad tungo sa isang maayos, tahimik, at payapa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco