Nasabat ng mga awtoridad ang Php374,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang High Value Individual sa inilunsad na buy-bust operation dakong alas-12:55 ng hating gabi sa Barangay Ermita, Cebu City nito lamang Miyerkules, Pebrero 12, 2025.
Kinilala ni Police Major Ronel Royo, Station Commander ng Police Station 5, Cebu City Police Office, ang suspek na si alyas “Mike”, 37 taong gulang, residente ng nabanggit na lugar.
Nakuha mula sa suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa 55 gramo at may Standard Drug Price na Php374,000, checkered colored purse na ginamit bilang lagayan ng mga iligal na droga, at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang na ang mga kapulisan ng Cebu City ay nagpapakita ng kanilang kakayahan at kasanayan sa pagsugpo ng iligal na droga at pagprotekta sa kaligtasan at kaayusan ng mamamayan para sa isang mapayapang Bagong Pilipinas.
Source: CCPO SR