Taguig City — Tinatayang Php374,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek matapos magkasa ng buy-bust operation ang Taguig City Police Station nito lamang Huwebes, ika-23 ng Nobyembre 2023.
Pinangalanan ni PBGen Mark Pespes, OIC ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Fatty” at alyas “Benny”.
Ayon kay PBGen Pespes, ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit sa Ruby St. Deva Village, Brgy. San Miguel, Taguig City na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Nakumpiska sa kanila ang pitong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na humigit-kumulang 55 gramo ang bigat at nagkakahalaga ng Php374,000.
Bukod dito, narekober din ang isang tunay na Php500 na ginamit bilang buy-bust money, pitong pirasong Php1,000 bilang boodle money, isang Redmi Cellular phone, isang digital weighing scale, at isang itim na pouch..
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang patuloy na pangangampanya kontra ilegal na droga ng pulisya ay mas lalong paiigtingin sa ating bansa upang sila’y mananagot sa batas.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos