Caloocan City — Nasabat ang tinatayang Php374,000 halaga ng shabu sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District Drugs Enforcement Unit nito lamang Lunes, Hunyo 27, 2022.
Kinilala ni NPD Director Police Brigadier General Ulysses Cruz, ang suspek na si John Palarion y Banquicio, 24 at residente ng Barangay 18, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Cruz, naaresto si Palarion bandang 3:30 ng hapon sa kahabaan ng Block 2 , Tupda Village, Julian Felipe St., Barangay 8, Lungsod ng Caloocan.
Narekober mula sa suspek ang isang pirasong medium size heat-sealed transparent plastic sachet at isang transparent na plastic bag na pawang naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang 55 gramo at may DDB standard value na umaabot sa Php374,000, at isang pirasong Php500 na may kasamang anim na piraso ng Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PBGen Cruz na patuloy sila sa pagtugis sa mga taong sangkot pa rin sa ilegal na droga.
Source: NPD PIO
###