Nasabat ng Bukidnon PNP ang Php374,000 halaga ng shabu sa Zone 3, Impalutao, Impasug-ong, Bukidnon nito lamang Hunyo 13, 2024.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng Bukidnon Drug Enforcement Unit katuwang ang Impasug-ong Municipal Police Station.
Bandang alas 3:40 ng hapon ikinasa ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresro ng isang alyas “Dodong”, 31 anyos, lalaki at kabilang sa High Value Individual.
Nakumpiska mula sa suspek ang pitong sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 55 na gramo at may street value na Php374,000, isang unit ng cellphone at iba pang mga paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambasang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra ilegal na droga para sa pagpapanatili ng katahimikan at seguridad ng nasasakupan.