Nasabat ang tinatayang Php374,000 halaga ng shabu mula sa dalawang drug personality matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Purok 3, Barangay Salvacion, Panabo City nito lamang Enero 31, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jess Anthony B Maghirang, Chief of Police ng Panabo City Police Station, ang mga suspek na si alyas “J” (HVI), 21 anyos at alyas “Jessa”, 23 anyos, maglive-in partner na naninirahan sa Purok Carrot, Barangay Gredu, Panabo City.
Narekober ang 55 gramo ng shabu at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
Sa pamamagitan ng mga regular na operasyon at maagap na hakbang, tinitiyak ng Police Regional Office 11 ang pagsunod sa batas sa komunidad upang masiguro ang patuloy na kapayapaan at kaayusan para sa bawat Dabawenyo.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino