Guagua, Pampanga – Tinatayang Php374,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation ng mga pulisya sa Pampanga nitong Miyerkules, Marso 30, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Robin Sarmiento, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office ang suspek na si Angelito Bartolo y Hereros, a.k.a. “Lito”, 60, may asawa, walang trabaho, residente ng Barangay San Jose, Guagua, Pampanga.
Ayon kay PCol Sarmiento, bandang 4:00 ng hapon naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng pinagsanib na puwersa ng operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3, Special Concern Unit-Regional Intelligence Division 3, Provincial Intelligence Unit Pampanga at Guagua Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Sarmiento, nakumpiska mula sa suspek ang labindalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalang shabu na nagtitimbang ng 55 gramo at nagkakahalaga ng Php374,000, dalawang pouch, isang Php100 bill, tatlong selpon, isang totoong Php1,000 bill at Php9,000 boodle money.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PCol Sarmiento ang mga kapulisan sa matagumpay na operasyon at sinigurong patuloy ang pagpapaigting sa kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Pampanga.
###
Panulat ni Patrolwoman Hazel Rose Bacarisa
Good job PNP