Sta. Elena, Camarines Norte – Tinatayang Php374,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang welder sa inilunsad na buy-bust operation ng Camarines Norte PNP sa Sitio Crossing, Barangay Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte noong Setyembre 12, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Antonio C. Bilon Jr., Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office, ang suspek na si Bernard Francia y Aguila, 45, welder at residente ng Barangay Mabini, Calauag, Quezon.
Ayon kay PCol Bilon Jr., nahuli ang suspek sa inilunsad na buy-bust operation ng pinagsanib na operatiba ng Sta. Elena Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit – Camarines Norte, Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.
Ayon pa kay PCol Bilon Jr., naaresto ang suspek matapos makabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na limang gramo na may katumbas na halaga na Php34,000.
Sa isinagawang body search ay nakuha mula sa suspek ang dalawang pirasong pakete ng shabu. Sa kabuuan, nasa 55 na gramo ang nakumpiska sa suspek na may tinatayang halaga na Php374,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The crackdown on illegal drugs remains to be the top priority of the Kasurog Cops which includes the clampdown of persons behind the proliferation of this social menace. We will not stop until we achieve our main goals of giving the people of Bicol a safer and peaceful region to leave and do business”, pahayag ni PBGen Dimas, Regional Director ng PRO5.