Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station ang isang lalaking suspek matapos inihain ang Search Warrant na humantong sa pagkakakumpiska ng tinatayang Php374,000 na halaga ng shabu nito lamang Lunes, Oktubre 28, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, naganap dakong 6:00 ng hapon ang paghahain ng Search Warrant ng mga tauhan ng Police Detective Unit ng Parañaque CPS sa tirahan ni alyas “Roberto,” 35 taong gulang, sa Area 5 Sitio Libjo, Barangay Sto. Niño.
Inihain ang warrant para sa kasong paglabag sa Republic Act 10591, tungkol sa mga baril at bala.
Narekober ng mga pulis ang isang kalibre .38 Armscor 201S na baril, kasama ang apat na bala, isang nakatali na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 55 gramo na may tinatayang street value na Php374,000 sa loob ng isang itim na sling bag.
Nahaharap ang suspek sa mga reklamo para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regilation Act) at Section 11, Article 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pinuri ni PBGen Yang, ang Parañaque City Police para sa kanilang walang humpay na pangako sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko at paglaban sa mga ilegal na baril at aktibidad na may kaugnayan sa droga sa kanilang nasasakupang lugar.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos