Malabon City — Nakulimbat sa dalawang babae ang tinatayang Php374,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Malabon City Police Station nito lamang Martes, ika-6 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni PBGen Rogelio Ponce Peñones Jr, District Director ng NPD, ang mga suspek na sina alyas “Jessa”, 32, Pusher/Newly Identified, HVI, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. 8, Caloocan City; at si alyas “Mikay”, 30, User/Newly Identified, HVI, at residente ng No. 29 A. Bonifacio Street, Brgy. Tugatog, Malabon City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, naganap ang planadong operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng MCPS, dakong 2:50 ng madaling araw sa kahabaan ng P. Concepcion corner Dr. Lascano Street, Brgy. Tugatog, Malabon City na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Jessa” at alyas “Mikay”.
Nakumpiska sa mga ito ang 12 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na higit o mas mababa sa 55 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php374,000; isang tunay na Php1,000 na may kasamang pitong Php1,000 boodle money; at isang black leather na coin purse.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PMGen Edgar Alan O Okubo, Regional Director ng NCRPO, ang Malabon City Police Station dahil sa dedikasyon, maagap na mga estratehiya, at malakas na pakikipagtulungan ng kanyang hanay sa komunidad upang labanan ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng komunidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos