Nasamsam ang tinatayang Php374,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa tinaguriang Top 4 Regional High Value Individual sa isinagawang joint operation sa Purok 5, Poblacion, Kiblawan, Davao del Sur nito lamang Marso 13, 2025.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng Davao del Sur Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit katuwang ang Kiblawan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team, 1104th MC RMFB 11, 2nd Davao Sur PMFC at sa koordinasyon sa PDEA.
Kinilala ni Police Major Robert James C Carumba, Officer-In-Charge ng Kiblawan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Tonton”, 37 anyos at residente ng Purok 6, Barangay Panaglib, Kiblawan, Davao del Sur.
Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 55 gramo ng hinihinalang shabu at iba pang non-drug items at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy naman ang mga operasyon ng Police Regional Office 11 upang matiyak na ang lahat ng lumalabag sa batas ay mapanagot at magdusa ng kaukulang parusa. Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang nakatuon sa pagpapairal ng batas, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng tiwala ng publiko sa mga awtoridad at sa pagpapabuti ng seguridad sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino