Nasabat ang tinatayang Php370,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Valenzuela City Police Station sa kahabaan ng NPC Road, Lamesa Street Extension, Barangay Ugong, Valenzuela City nito lamang Huwebes, Hunyo 12, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Relly B. Arnedo, Officer-In-Charge ng Valenzuela CPS, ang suspek na si alyas “Bulag”, 52-anyos.
Pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng nasabing istasyon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naturang buy-bust.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na ibinenta sa isang police poseur buyer.
Narekober ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php374,000, marked buy-bust money, boodle money, karagdagang salapi, at isang berdeng coin purse.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ayon kay Police Brigadier General Josefino D. Ligan, District Director ng Northern Police District, “Ito ay patunay ng mahusay na pagtutulungan, determinasyon, at tapat na serbisyo ng ating kapulisan upang tuluyang masugpo ang iligal na droga sa ating mga komunidad.”
Source: NPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos