Tinatayang aabot sa Php368,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang joint checkpoint ng PNP at Task Force Davao sa Brgy. Mahayag, Davao City nito lamang Disyembre 20, 2023.
Kinilala ni Police Major Jake Goles, Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Randy”, 39, residente ng Nabunturan, Davao De Oro, na kabilang sa mga High Value Individual.
Naaresto ang suspek matapos makitaan ng mga hinihinalang shabu habang sumasailalim sa isinagawang checkpoint ng pinagsamang tauhan ng Bunawan PNP at Task Force Davao.
Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 23 gramo na may street market value na Php368,000.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa nasabing suspek.
Ang pagkakadakip sa suspek ay maglalapit sa layunin ng Police Regional Office 11 na gawing drug-free ang Rehiyon Onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara