Makati City — Umabot sa Php363,800 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Makati City Police Station nito lamang Miyerkules, Disyembre 7, 2022.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Bentot”, 30 at alyas “Patrick”, 40.
Ayon kay PBGen Kraft, naaresto sina alyas “Bentot” at alyas “Patrict” sa kahabaan ng Antipolo Street, Barangay Valenzuela, Makati City bandang 9:35 ng gabi ng pinagsanib puwersa ng District Enforcement Unit at Intel Section ng Makati CPS.
Narekober sa mga suspek ang isang buhol na nakatali na transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may timbang na 53.5 gramo at may Standard Drug Price na Php363,800, isang genuine na Php1,000, apat na pirasong Php1,000 na boodle money, isang Mediplast box, at isang itim na Motorstar na motorsiklo.
Reklamong paglabag sa Sections 5 at 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga naarestong suspek.
Sinisigurado naman ni PBGen Kraft, na mas palalawigin pa ang police visibility sa mga lansangan ng nasabing distrito upang mahuli ang mga indibidwal na patuloy na gumagamit at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos