Nakumpiska mula sa isang indibidwal ang tinatayang Php361,080 na halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Intel Operatives ng Kalilangan Municipal Police Station sa P-1A Bangbang, Kalilangan, Bukidnon nito lamang ika-5 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Major Christian D Serdena, Officer-In-Charge ng Kalilangan MPS, ang suspek na si Alyas “Joel”, 26, may asawa at residente ng P5 Barangay 9, Malaybalay City, Bukidnon.
Narekober mula sa suspek ang isang rectangular heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.7 gramo, isang (1) Php 1,000 peso bill na ginamit bilang buy-bust money, isang unit ng Suzuki Raider motorcycle, dalawang square heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 53.1 gramo na nagkakahalaga ng Php361,080, at iba pang paraphernalias.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang operasyon ng Bukidnon PNP upang puksain ang ilegal na droga sa buong probinsya upang mapangalagaan ang mga kabataan at mga potensyal na biktima mula sa salot na pag-abuso sa ilegal na droga tungo sa isang drug-free na pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Jovelyn Dodoso