Tinatayang Php360,400 halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na personalidad sa isinagawang buy-bust operation ng Taytay PNP sa kahabaan ng Barangay San Juan, Taytay, Rizal nito lamang ika-28 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Ake”, 30 taong gulang; “Benjie”, 50 taong gulang; “Kambal”, 48 taong gulang; mga pawang mga residente ng Taytay, Rizal at “Dale”, 38 taong gulang, residente naman ng San Pedro, Laguna.
Naaresto ang mga suspek dakong 10:50 ng gabi ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station at nakumpiska mula sa mga ito ang anim na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 53 gramo at nagkakahalaga ng Php360,400, isang yunit ng Calibre 45 Remington, isang pirasong magasin, limang pirasong bala, isang unit ng cellphone, isang shoulder bag, tig-isang pirasong Php1000 at Php500 bill bilang boodle money.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Taytay PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ang matagumpay na operasyon ng kapulisan kontra ilegal na droga ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunan. Sa patuloy na pagsusumikap ng mga awtoridad, nababawasan ang krimen at nagiging mas ligtas ang ating komunidad. Ang kanilang dedikasyon at koordinasyon ay mahalaga upang makamit ang isang mapayapa at maunlad na bansa, malayo sa banta ng droga.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng