Zambales – Tinatayang Php360,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 1, Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales nito lamang Huwebes, ika-28 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Geneblazo, Chief of Police ng Subic Municipal Police Station, ang mga drug personalities na sina alyas “John”, “Rob”, at “Ace”.
Bandang 11:58 ng gabi nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php360,400 na may timbang na 53 gramo, buy-bust money at iba pang non-drug item.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
Paalala ng Subic PNP sa mga pilit na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga na tigilan at magbagong-buhay dahil ang pamahalaan ay seryoso sa pagpapatupad ng batas at ilagay ang may sala sa likod ng rehas.
Source: Subic Municipal Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera