Nakumpiska ang Php360,400 halaga ng ilegal na droga sa naarestong High Value Individual sa buy-bust operation na isinagawa ng Angeles City Drug Enforcement Unit katuwang ang Intelligence at Drug Enforcement Unit ng Police Station 6 sa Barangay Cacutud, Angeles City nito lamang ika-1 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Jean S Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3, ang suspek na si alyas “Lolet”, 61 taong gulang, residente ng nasabing barangay.
Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 53 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php360,400 at iba pang non-drug items.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
“Ang ating mga operatiba ay walang tigil sa paghahanap at pagsupil sa mga drug traffickers upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga komunidad. Ang mga operasyong ito ay patunay ng ating matibay na determinasyon na durugin ang mga sindikato ng droga at papanagutin ang mga nasa likod nito,” ani PBGen Fajardo.