Binalbagan, Negros Occidental – Nakumpiska ang nasa Php360,000 halaga ng marijuana sa tatlong naarestong suspek sa PNP drug buy-bust operation sa Torres Road, Brgy. Progreso, Binalbagan, Negros Occidental nito lamang Hunyo 2, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Randy Q Peralta, Director ng PNP Drug Enforcement Group, ang mga suspek na sina Jesusa Parcon Palma alyas Mitch, 42, may asawa; Riche Espada Delos Santos alyas Toto, 40, male, may asawa; at Frence Jan Barlas Cervantes alyas Fj, 21, single, pawang mga residente ng Brgy. Bantayan, Kabankalan City, Negros Occidental.
Ayon kay Police Brigadier General Peralta, naging matagumpay ang naturang operasyon sa pakikipagtulungan ng PNP Drug Enforcement Group Special Operation Unit 6, at ng Binalbagan Municipal Police Station.
Kabilang sa mga nakumpiska sa mga suspek ang mahigit kumulang tatlong kilograms ng dried marijuana leaves na may estimated Standard Drug Price (SDP) na Php360,000; isang piraso ng One Thousand Peso bill na may serial no. CZ874894; 39 piraso ng One Thousand Peso bills na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga drug paraphernalia.
Ang naturang operasyon ay bahagi sa mas pinaigting na kampanya ng PNP laban sa lahat ng uri ng mga ipinagbabawal na droga at iba pang krimeng may kaugnayan dito.
###