Surigao del Norte – Tinatayang nasa Php353,600 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Surigao del Norte PNP at Philippine Drug Enforcement Agency nito lamang Huwebes, Agosto 11, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang suspek na si Ricky Camingue Gerarcas, 46, residente ng Brgy. 13, Poblacion, Dapa, Surigao del Norte.
Ayon kay PBGen Caramat, bandang 6:20 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa Brgy. 13, Poblacion, Dapa, Surigao del Norte ng mga tauhan ng PDEA Regional Office XIII Dinagat Provincial Office, PDEA-Surigao del Norte, Philippine Drug Enforcement Unit ng Surigao del Norte Police Provincial Office at Dapa Municipal Police Station.
Nakumpiska sa suspek ang 6 na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 52 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php353,600, isang pirasong Php1000 bill na ginamit bilang marked money, 19 pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang boodle money, isang Samsung keypad phone, isang Voter’s ID at isang unit ng motorsiklo na Yamaha Mio 125.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy namang papaigtingin ng PNP at PDEA ang operasyon kontra ilegal na droga upang mapangalagaan ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13