Benguet – Tinatayang nasa Php350,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng Benguet PNP sa isinagawang Marijuanna Eradication sa Sitio Caang, Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-18 ng Marso 2023.
Ayon kay Police Captain Douglas Akistoy, Chief of Police, Bakun Municipal Police Station, nadiskubre ang 1,750 ng fully-grown marijuana plants na nakatanim sa 350 sqm communal forest na may Standard Drug Price na Php350,000.
Kaagad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana plants at walang naitalang nahuling marijuana cultivator.
Samantala, ang Pambansang Pulisya ay lalo pang papaigtingin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapuksa ang mga ipinagbabawal na mga halaman at upang managot sa batas ang mga nasa likod ng pagtatanim nito.