San Mateo, Rizal – Tinatayang Php350,040 na halaga ng dried marijuana leaves ang nasabat sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng San Mateo MPS nito lamang Sabado, Agosto 27, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joven Larga, Acting Chief of Police ng San Mateo Municipal Police Station, ang dalawang suspek na sina Marlon Doria y Toledo, 30, delivery rider, residente ng #51 Mendrez St., Baesa, Quezon City at Raymund Christian Adriano y Coronel, 19, residente ng Monta Villa Phase 1, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal.
Ayon kay PLtCol Larga, bandang 9:01 ng gabi naaresto ang mga suspek sa Pitang Street, Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal sa isinagawang operasyon ng San Mateo MPS.
Narekober sa mga suspek ang tatlong bricks ng hinihinalang dried marijuana leaves na tumitimbang ng 2,917 kilos na may tinatayang halaga na Php350,040, tatlong piraso ng Php100, isang black wallet, isang weighing scale, isang driver’s license ng suspek, isang motorcycle key, isang black backpack, isang helmet, original copy ng OR, xerox copy ng OR/CR, isang unit ng itim na Honda Click 150 motorcycle na may MV File number 1303-00000761793 at isang Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon