Arestado ang 10 indibidwal at narekober ang tinatayang Php348,160 halaga ng shabu sa isinagawang joint drug buy-bust operation ng Ecoland Police Station at 1st Davao City Mobile Force Company sa Masardan Residence, Purok 5-A, Barangay 23-C, Davao City nito lamang Enero 26, 2025.
Kinilala ni Police Major Butch Kevin P Rapiz, Acting Station Commander ng Ecoland Police Station, ang mga suspek na si alyas “Dol”, “Raymond”, “Tenneson”, “Mahmud”, “Lester”, “Edzelson”, “Nelson”, “Zhyrik”, “Analiza” at alyas “Floramae” na pawang mga residente ng Boulevard, Davao City.
Narekober ang 51.20 gramo ng shabu at iba pang non-drug evidence.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng mga suspek.
Sa pamamagitan ng regular na presensya ng mga pulis, mga checkpoints, at mga operasyon laban sa iligal na droga, armas, at iba pang krimen, tinitiyak ng Police Regional Office 11 na ang Davao City ay nananatiling isang ligtas na lugar para sa mga Dabawenyo at tursta.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino