Arestado ang apat na High Value Individuals (HVI) habang tinatayang Php346,800 halaga ng shabu ang nasamsam sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga operatiba ng RPDEU 12, katuwang ang PDEG SOU 12 at General Santos City Police Station 2 nito lamang Hunyo 5, 2025.
Kinilala ang mga naaresto na si alyas “Datu Ali”, 32, at alyas “Robinson”, 31, na kapwa residente ng Apopong, GenSan; alyas “Aldrin”, 31, at alyas “Brobro”, 34, na kapwa residente naman ng Apopong, General Santos City.
Nasamsam sa operasyon ang 51 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php346,800, buy-bust money, at iba pang non-drug items.
Patuloy ang maigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga, na nagpapakita ng walang humpay na pagtupad sa tungkulin para sa isang Bagong Pilipinas—ligtas, maayos, at may kinabukasang walang droga.