Naaresto ng Pasay City Police Station, Section Intelligence Unit ang isang indibidwal dahil sa paglabag sa Republic Act 9165, na kilala rin bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” nito lamang Biyernes, Enero 24, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Manuel J. Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Marlon”, 32-anyos na lalaki.
Naganap ang pag-aresto bandang 6:10 ng gabi sa loob ng Pasay City Public Cemetery matapos makatanggap ang mga awtoridad ng tip mula sa isang confidential informant tungkol sa pagkakasangkot ng suspek sa illegal drug trade.
Sa surveillance, nahuli ng mga awtoridad ang suspek na may hawak na shabu.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang medium-sized at tatlong small-sized heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng kabuuang 50.9 gramo ng hinihinalang shabu, at may street value na Php346,120.
Ang Southern Police District ay nananatiling matatag sa pangako nito sa paglikha ng isang mas ligtas na komunidad sa pamamagitan ng walang tigil na pagtugis at paghuli sa mga indibidwal na sangkot sa mga ilegal na aktibidad. Itinatampok ng matagumpay na operasyong ito ang dedikasyon ng mga alagad ng batas para labanan ang paglaganap ng ilegal na droga at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos