Nakumpiska ang tinatayang Php346,800 na halaga ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad nito lamang Pebrero 9, 2025 dakong 7:45 ng gabi sa Phase I, Sitio Asinan, Barangay Kasanyangan, Zamboanga City.
Kinilala ni Police Captain Royland C. Cordero, Team Leader ng Zamboanga City Drug Enforcement Unit, ang naarestong suspek na si alyas “Jul”, 34-anyos na lalaki, dating miyembro ng CAFGU mula sa Munisipalidad ng Luuk, Sulu.
Nasamsam sa suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 51 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php346,800, isang Php200 bill na ginamit bilang marked money.
Ang matagumpay na operasyon ng Zamboanga PNP ay patunay na kaisa ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco