Baguio City – Tinatayang nasa Php346,120 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang High Value Individual sa isinagawang Police Drug Interdiction ng Baguio City PNP sa Quirino Highway, Baguio City nito lamang ika-19 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni Police Colonel Francisco Bulwayan Jr., City Director ng Baguio City Police Office, ang suspek na isang construction worker, 52 anyos at residente ng Fairview, Baguio City.
Ayon pa kay PCol Bulwayan Jr., ang operasyon ay pinangunahan ng Regional Drug Enforcement Unit Cordillera kasama ang Baguio City Police Station 7 at City Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Unit 14, Police Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 14 Cordillera at PDEA CAR- Land Transport Interdiction Unit.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang knot tied plastic cellophane na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na may timbang na 50.9 gramo at tinatayang may Standard Drug Price na Php346,120 at mga non-drug evidence.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng Baguio City PNP para mapanatiling maayos at ligtas ang lungsod sa anumang uri ng kriminalidad lalo na at ito ay isa sa kilalang pasyalan at dinadagsa ng mga turista.