Nueva Ecija – Tinatayang Php346,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska at dalawa ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Cabanatuan City PNP sa Brgy. Barrera, Cabanatuan City, Nueva Ecija bandang 1:30 ng madaling araw nito lamang Martes, ika-1 ng Agosto 2023.
Ang naturang operasyon ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Warly Bitog, Chief of Police ng Cabanatuan City Police Station.
Kinilala ang mga drug personalities na sina alyas “Mark”, 32, at alyas “Marissa”, 40, mga kapwa residente ng Brgy. Umangan, Aliaga, Nueva Ecija.
Nasabat ang tinatayang Php346,000 halaga ng shabu na may timbang na 51 gramo, isang cellphone; isang pirasong Php1,000 bill bilang buy-bust money; susi, at isang coin purse.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.
Patuloy ang Cabanatuan City PNP sa pagpapaigting ng pangangampanya laban sa ilegal na droga para sa seguridad at kaligtasan ng kanilang nasasakupan.
Source: Cabanatuan City Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera