Calamba City, Laguna – Tinatayang Php345,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation ng PNP-PDEA sa Landmark Subdivision, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna nito lamang Huwebes, Oktubre 13, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang suspek na si Rodel Burgos, at isang HVI.
Ayon kay PBGen Nartatez Jr., bandang 9:05 ng gabi naaresto ang suspek sa pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit 4A, Calamba City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency 4A.
Narekober sa suspek ang tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo na nagkakahalaga ng Php345,000, isang tunay na Php1,000 bill at 43 pirasong pekeng Php1,000 bill bilang buy-bust money at isang puting coin purse.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na paigtingin ng PNP sa tulong ng PDEA ang kampanya kontra ilegal na droga para mapanagot ang mga nagtutulak at gumagamit nito at mapanatili ang ligtas, maayos at mapayapang komunidad.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin