Balulang, Cagayan de Oro City (January 24, 2022) – Nasa Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat ng RPDEU 10 at naaresto ang dalawang (2) personalidad sa isinagawang drug buy-bust operation sa Mabasa, Carinungan, Balulang, Cagayan de Oro City noong Enero 24, 2022.
Ayon sa ulat mula sa RPDEU 10, kinilala ang mga suspek na sina Bairona M. Lucman, nakalista sa watchlist ng PNP PDEA, 27 taong gulang; at Abdulhakim M. Ali, 21 taong gulang, na kapwa residente ng Mabasa, Balulang, Cagayan de Oro City.
Nakumpiska sa operasyon ang pitong (7) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may humigit-kumulang 50 gramo na may tinatayang Standard Drug Price na Php340,000.
Ang mga nakumpiskang droga ay dinala sa Regional Crime Laboratory Office 10 para sa qualitative at quantitative examinations.
Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa Maharlika Custodial facility para sa karagdagang disposisyon at pagsasampa ng reklamo para sa Paglabag sa Sec. 5 & ​​11 Art. II ng RA 9165.
Pinupuri ni PBGen Benjamin Acorda Jr, Regional Director, PRO 10 ang pagsisikap ng mga operating unit para sa tagumpay sa paghuli sa mga suspek.
Ayon kay PBGen Acorda, laging paiigtingin ng Police Regional Office 10 ang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad.
“Hindi tayo susuko sa halip ipagpapatuloy namin ang aming walang humpay na pagsisikap sa paghuli at pag-neutralize sa mga lumalabag sa batas na may aktibong suporta ng komunidad”, dagdag pa niya.
Hinihiling ng PRO 10 sa publiko na patuloy na suportahan ang gobyerno sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang mga insidente at iba pang ilegal na aktibidad sa kanilang lugar.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel V Tan – RPCADU10
Congratulations PNP for a job well done. #Salute!
Wow husay at galing ng mga kapulisan