Caloocan City — Timbog ang isang babae matapos mahulihan ng Php340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nito lamang Miyerkules, Mayo 3, 2023.
Kinilala ni PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, District Director ng Northern Police District, ang suspek sa pangalang Asliah (Pusher), 39 at kasalukuyang naninirahan sa Purok 1, Mangohig Street, Calapacuan, Subic, Zambales.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, naganap ang nasabing operasyon sa pinagsanib puwersa ng OCOP-DEU ng Caloocan CPS at tauhan ng 3rd MFC ng RMFB bandang 1:10 ng madaling araw sa Sta Rita Street, Barangay 188 Caloocan City na humantong sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska sa kanya ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na humigit kumulang 50 gramo ang bigat at nagkakahalaga ng Php340,000; isang Php1,000 na may kasamang 64 na piraso ng pekeng Php1,000 na syang ginamit bilang buy-bust money; at isang brown na envelope.
Kasong paglabag sa sec. 5 Art. II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek.
Nangako naman ang kapulisan ng Northern Metro na patuloy na magpapatrolya ang kanilang hanay sa umaga at gabi upang mahuli ang mga indibidwal na gumagawa ng mga labag sa batas nang sa gayo’y mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang mga nasasakupang lungsod.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos