Muntinlupa City — Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nasakote sa isang lalaking suspek sa buy-bust operation ng Muntinlupa City Police Station nito lamang Miyerkules, Marso 15, 2023.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Jopaks”, 40 taong gulang.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang 11:55 ng gabi nang isagawa ng nasabing operasyon ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa CPS sa kahabaan ng Baywalk Brgy. Bayanan, Muntinlupa City na nagresulta ng pagkakaaresto sa suspek.
Nasabat ng mga operatiba ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 50 gramo at Standard Drug Price na Php340,000 at isang Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap naman ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ng kapulisan ng Southern Metro na lalong paghihigpitan ang pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang maging ligtas ang bawat mamamayan sa kanilang nasasakupang lugar.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos