Zamboanga City – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng Zamboanga PNP nito lamang Mayo 07, 2022.
Kinilala ni Police Major Salvador Galvez, Chief of Police ng Zamboanga City Police Station 6, ang suspek na si Mayka Sali Africa, walang trabaho at residente ng Sitio Asinan, Barangay Kasayangan Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Galvez, bandang 8:46 ng gabi nang mahuli ang suspek sa Sitio Asinan, Barangay Kasayangan sa pinagsanib puwersa ng Zamboanga City Police Station 6 at 904th Regional Mobile Force Battalion 9.
Ayon pa kay PMaj Galvez, nakumpiska kay Myka ang isang pakete ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo na nagkakahalaga ng Php340,000; boodle money na nagkakahalaga ng Php69,000 at isang bill na PHP1000 bilang marked money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa mas mapayapa at ligtas na kumonidad.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9