Zamboanga City – Tinatayang nasa Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation nito lamang Mayo 9, 2023.
Kinilala Police Major Albert Alfaro, Acting Station Commander ng Zamboanga City Police Station 11, ang naarestong suspek na si alyas “Meng”, tinaguriang High Value Individual, 39 anyos, may asawa at residente ng Atilano Drive, Barangay Canelar Moret, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Alfaro, bandang 2:50 ng madaling araw nang mahuli ang suspek sa Room 15, Barangay Canelar Moret, Zamboanga City sa pinagsanib na puwersa ng Zamboanga City Police Station 11, City Drugs Enforcement Unit, at Regional Mobile Force Battalion 9.
Nakumpiska sa suspek ang dalawang transparent plastic sachets na may timbang na 50 gramo na nagkakahalaga ng Php340,000, isang kulay green na sling bag at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa mas mapayapa at ligtas na komunidad.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9