Wednesday, January 1, 2025

Php340K halaga ng shabu nasabat ng Taguig PNP

Kalaboso sa isinagawang buy-bust operation ng Taguig City ang isang High Value Individual (HVI) makaraang mahulihan ito ng tinatayang Php340,000 halaga ng shabu nito lamang Martes, Marso 19, 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Mark Pespes, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Mocki,” 33-anyos na isang Grab rider.

Ayon sa ulat, naganap ang operasyon dakong 7:20 ng gabi sa tabi ng waiting shed sa Pamayanang Diego Silang, BCDA, Ususan, Taguig City sa sanib pwersa ng DDEU-SPD (Lead Unit), DID-SPD, DSOU-SPD, DMFB-SPD, PDEA-SDO, at Taguig City Police Sub-station 4 Ususan na nagresulta sa matagumpay na pagkakadakip sa suspek.

Sa operasyon, nakumpiska ng mga alagad ng batas ang isang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang halaga na Php340,000.

Bukod pa rito, nakuha din ang isang tunay na Php1,000 kasama ang 79 piraso na pekeng Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money at isang Redmi 5G Android cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Nais kong magpadala ng malinaw at mahigpit na babala sa mga sangkot sa mga aktibidad ng ilegal na droga, ang SPD ay nakatuon sa pagpuksa sa mga krimen na may kaugnayan sa droga mula sa ating komunidad, at walang humpay nating hahabulin ang mga indibidwal na sangkot sa mga ilegal na aktibidad”, ani PBGen Pespes.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles