Antipolo City – Tinatayang Php340,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa apat na suspek sa buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Linggo, Disyembre 18, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Merly”, 42 at alyas “Andre”, 18, pawang residente ng Antipolo, City; alyas “Tan”, 44, at alyas “Nuela”, 55, pawang mga residente naman ng Quezon City.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 7:25 ng gabi naaresto ang mga suspek sa Mahogany Heights Subdivision, Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit.
Narekober sa mga suspek ang 11 heat-sealed plastic na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo na nagkakahalaga ng tinatayang Php340,000, isang pirasong Php1,000 bill, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang brown pouch, isang susi ng motor at isang blue bag.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Rizal PNP ay patuloy na lalabanan at hindi titigil sa pagsugpo ng mga ilegal na droga at anumang krimen sa probinsya upang manatiling ligtas, maayos at payapa ang komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter V Cabugon/RPCADU4A