Pandan, Catanduanes – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa buy-bust operation ng Catanduanes PNP at PDEA sa Purok 4, Sitio Caraboa, Barangay Balagñonan, Pandan, Catanduanes nito lamang Agosto 3, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Benjamin Balingbing Jr., Provincial Director ng Catanduanes Police Provincial Office, ang suspek na si Jayson Aguinaldo y Evangelista, residente ng Barangay Bagawang, Pandan, Catanduanes at kabilang sa Regional Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs- Regional Target.
Ayon kay PCol Balingbing Jr., naaresto ang suspek bandang 6:29 ng umaga sa nabanggit na lugar sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Pandan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit- Catanduanes at PDEA Catanduanes Provincial Office.
Nakumpiska sa suspek ang pitong heat-sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit- kumulang 50 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Police Regional Office 5 ay patuloy sa paglulunsad ng mga operasyon upang tuluyan ng mahuli ang mga nagbebenta ng ilegal na droga at maging drug-free ang probinsya ng Catanduanes at ang buong rehiyong Bikol.
###