Nakumpiska ng Drug Enforcement Unit ng Batangas City Police Station ang Php340,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Dumantay, Batangas City dakong 2:47 ng gabi ng Abril 20, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang suspek na si alyas “Mac”, 44, residente ng Barangay Sorosoro Ilaya, Batangas City.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit 50 gramo na nagkakahalaga ng Php340,000 matapos siyang mahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang police poseur buyer.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisigurado naman ng mga kapulisan ng Batangas ang kanilang patuloy na pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminalidad na alinsunod sa utos ng Chief, PNP, na palakasin, patatagin, at pagtuunan ng pansin ang kampanya kontra ilegal na droga.
Source: RPIO4A
Panulat ni Morpheus Ezekiel Del Rosario