Minglanilla, Cebu – Nasabat ang tinatayang nasa Php340,136 halaga ng shabu sa dalawang drug suspek sa buy-bust operation na ikinasa ng mga miyembro Minglanilla Police Station, gabi ng Miyerkules, Setyembre 28, 2022 sa Barangay Poblacion, Ward 2, Minglanilla, Cebu.
Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang mga naaresto na sina Isagani Raston Rafayla, a.k.a. “Gani”, 40, at Jonamil Basabe Abella, a.k.a. “Amil”, 26.
Ayon kay Police Brigadier General Vega, nakumpiska sa mga suspek ang 50.02 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php340,136, isang sling bag, at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, pinuri naman ni PBGen Vega ang mga operating team ng naturang operasyon dahil sa tagumpay at kahuyasan na ipinamalas ng grupo sa kampanya laban sa ilegal na droga sa rehiyon.
Siniguro naman ng buong pwersa ng Police Regional Office 7 sa pamumuno ni Police Brigadier General Vega na hindi sila titigil sa pagtunton sa mga nasa likod ng ilegal na gawain sa lugar at nang tuluyan ng mawakasan ang anumang uri ng kriminalidad na dulot ng ilegal na droga sa nasabing bayan.