Nakumpiska ang tinatayang Php340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon ng mga miyembro ng Talusan Municipal Police Station katuwang ang 106th Infantry Battalion, Philippine Army Alpha Company sa Barangay Laparay, Talusan, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-3 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Jabar Abubajar Cuevas, Officer-In-Charge ng Talusan MPS, ang suspek na sina alyas “Abi”, 24 anyos, lalaki, mangingisda; alyas “Arsi”, 22 anyos, lalaki, may asawa, mangingisda na parehong residente ng Barangay Pulo, Mabao, Olutanga, Zamboanga Sibugay.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo na nagkakahalaga ng Php340,000; isang piraso ng Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, Php110,000 boodle money; isang unit ng Oppo smart phone at iba pang mga kagamitan.
Samantala mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.