Southern Police District, Taguig City – Tinatayang Php309,060 halaga ng ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga operatiba ng Taguig at Parañaque City nito lamang Martes, Marso 22, 2022.
Ayon kay PBGen Jimili Macaraeg, District Director ng SPD, sa Parañaque City, bandang 3:45 ng madaling araw naaresto ang mga suspek sa harap ng gasolinahan na matatagpuan sa kahabaan ng Dr. A Santos Avenue Brgy. San Antonio sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Parañaque City Police Station.
Kinilala ni PBGen Macaraeg, ang mga suspek na sina Jhonnier Camposa Baruc, 49; Carlo Reyes Ganzon, 23; at Maylene Ormoc Timolo, 40.
Nakuha mula sa kanila ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting crystalline substance ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang limang gramo na may tinatayang halaga na Php34,000, Php500 buy-bust money, Php400 na nakuhang pera at isang yellow coin purse.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, sa Taguig City naman, sa ganap na alas-3:00 ng madaling araw din naaresto si Biollah Midtimbang y Kasim alias Viollah, 36, sa Cagayan De Oro St., Brgy. Maharlika Village, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station.
Nakumpiska mula kay Midtimbang ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 15 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php102,000, Php500 buy-bust money at isang brown coin purse.
Dagdag pa ni PBGen Macaraeg, bandang 10:15 ng umaga naaresto din ng mga elemento ng Sub Station 7, Taguig CPS si Abdul Salik y Lumenda, 43, sa kahabaan ng Marawi Ave cor IRM Road Brgy Maharlika Village.
Narekober kay Salik ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 25.45 gramo ang bigat at nagkakahalaga ng Php173,060.
Mahaharap sa kasong pag labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.
Maituturing na ang sunod-sunod na operasyon ng SPD ay parte ng bagong mukha ng kampanya laban sa ilegal droga, ang “fight against drugs” ng ADORE o Anti-Illegal Drugs Operations thru Reinforcement and Education.
Source: SPD PIO
###
Tagumpay saludo ako sa mga kapulisan sa kahusayan nila