Arestado ang isang Street Level Individual sa ikinasang Anti-illegal drug operation ng Special Drug Enforcement Team ng Balasan Municipal Police Station sa Barangay Mamhut Sur, Balasan, Iloilo nito lamang ika-12 ng Agosto 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Toto”, 43 anyos, walang asawa, Street Level Individual, at residente ng nasabing barangay.
Dahil sa pagtutulungan ng SDET ng Balasan MPS at mga tauhan ng PNP Maritime Group 4th SOU, Carles SBC ay naaresto ang suspek matapos nitong magbenta sa isang police poseur-buyer ng isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic na sachet kapalit ng halagang Php5,000, kabilang ang boodle at marked money.

Narekober pa ang labindalawang (12) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets at iba pang mga non-drug items.
Nakumpiska ang kabuuang humigit kumulang 45 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may Standard Drug Price na Php306,000.
Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Layunin ng Iloilo PNP na masugpo ang paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Source: ILOILO PPO
Panulat ni Pat Ryza Valencia