Cotabato – Umaabot sa Php306,000 halaga at nasa humigit-kumulang 45 gramo ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 12 mula sa naarestong High Value Individual sa Purok 6, Brgy. Balindog, Kidapawan City, Cotabato nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang nahuling suspek na si alyas “Padsek”, 19-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Alib, Datu Paglas, Maguindanao del Sur.
Naaresto ang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakarekober ng nasabing droga at kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin nito.
Giit naman ni PBGen Macaraeg na mas lalo pang papaigtingin ng PRO 12 ang kampanya kontra ilegal na droga upang tuluyan ng matuldukan ang paglaganap at kalakalan ng ilegal na droga sa rehiyon.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin