Sunday, April 13, 2025

Php305K halaga ng shabu, nakumpiska mula sa dalawang suspek sa Davao City

Tinatayang Php305,592 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Old Airport, Barangay Sasa, Davao City nito lamang Abril 9, 2025.

Kabilang sa nasabing operasyon ang mga operatiba ng Sasa Police Station at TSC RMFB 11.

Kinilala ni Police Major Marcille M. Manzano, Acting Station Commander ng Sasa Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Bro”, 39 anyos na tinaguriang Top 4 Regional High Value Individual at alyas “Arnel”, 32 anyos na pawang mga residente ng Davao City.

Nakuha mula sa mga suspek ang humigit kumulang 44.94 gramo ng ilegal na droga at iba pang non-drug evidence at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang tagumpay ng operasyong ito ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng PNP sa pagsulong upang mapanatili ang kaayusan tungo sa kaunlaran.

Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,490SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles