Digos City (December 1, 2021) – Tinanggap ng Barangay Goma Farmer’s EO70 Sustainable Livelihood Program (SLP) Association ang tulong pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gagamitin sa kanilang livelihood program na Buy and Sell ng Agricultural Products at Supply Project sa Brgy. Goma, Digos City, Davao del Sur nitong December 1.
Ang Barangay Goma Farmer’s EO70 SLP Association ay inorganisa ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) sa pangunguna ng kanilang Team Leader na si PLt Maricar Otoc.
Kabilang sa mga dumalo sa isinagawang simpleng turn-over ay sina Jimmy Alldaba, kinatawan ng Digos City Local Government Unit; PLtCol Venus Ortuyo-Alod, Deputy Provincial Director for Operations; Rodrigo S Gevera Jr, kinatawan ng DSWD; Opisyales ng lokal na pamahalaan ng naturang barangay, miyembro ng Goma Farmers Association at ang Philippine Army 39IB, Maj. Victor Inting Jr., Battalion Executive Officer.
“Malaki ang pasasalamat ko sa R-PSB Goma dahil sa kanilang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programa ng R-PSB katuwang ang ibat-ibang sektor at ahensya ng gobyerno para sa ating komunidad” ani PLtcol Alod
“Nagpapasalamat at natutuwa ang aming asosasyon sa R-PSB at sa lahat ng katuwang nila upang maipaabot sa amin ang tulong ng gobyerno sa pagbibigay ng livelihood program sa pamamagitan ng NTF-ELCAC fund” mensahe ng Farmers Organization President.
Samantala, nangako naman si PLt Otoc na ipagpapatuloy ng R-PSB ang suporta sa asosasyon upang mapalago ang kanilang natanggap na hanap-buhay.
#####
Panulat ni: Police Corporal RC Ortenero
Saludo po sa mga Kapulisan