Lucena City, Quezon – Tinatayang Php306,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation ng PNP nito lamang Martes, Abril 26, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office ang suspek na si Rodrigo Penida Hoyohoy alyas “Manila Boy”, 28, residente ng Greenhills Phase 2, Brgy. Marketview, Lucena City.
Ayon kay Police Colonel Joel Villanueva, bandang 12:00 ng tanghali naaresto ang suspek sa Purok Pamantasan, University Site, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit / Provincial Intelligence Unit ng Quezon Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency-4A Quezon at Lucena City Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Villanueva, nakuha mula sa suspek ang tatlong piraso na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 gramo na nagkakahalaga ng Php306,000, isang pirasong Php1000 bill na buy-bust money, isang coin purse at isang yunit ng Yamaha Mio motorcycle.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Quezon PNP sa pamumuno ni Police Colonel Villanueva ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: Quezon PNP PIO
###
Panulat ni Pat Mark Lawrence S Atencio