Tinatayang Php300,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga operatiba sa Sitio Tamangan, Kayapa, Bakun, Benguet, Kayapa, nito lamang ng Enero 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Bakun Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Benguet Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency- Cordillera.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng tinatayang 1,500 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants at may Standard Drug Price na Php300,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.